Bakit nga ba kailangan ang pagluluto?

Kailangan ang pagluluto sa iba't ibang konsepto ng buhay. Kailangan ito dahil nakasanayan na ng mga tao ang pagluluto sa simula pa lamang. Ang pagluluto ay nagsisilbing libangan na rin ng mga tao, maaari din itong isang preparasyon para sa mga malalaking okasyon gaya ng birthday,kasalan o maaari din ito sa lamay at iba pa. Kailangan natin ito sapagkat simula nang bata palamang tayo ay itinanim na saatin ng ating mga magulang na sa buhay kapag hindi ka marunong magluto magugutom ka, kaya kahit pa lumipas ang mga taon kahit pa sa napakahaba ng panahon hindi mawawala ang pagluluto dahil nakagisnan na natin ito na kung tingnan ay parang tradisyon na o naka ugalian na natin ito. Kailangan o mahalaga ang pagluluto lalo na sa ating mga pilipino sapagkat tayo'y likas na malikhain sa maraming paraan isa itong pagpapakita ng ating talento at isa ring paraan ng pagsasaayos o paghahanda ng pagkain upang mapaghalo-halo ang iba't ibang putahe mapait man o matamis na syang mas nagpapasustansya sa ating mga kinakain. Mahalaga ang pagluluto sa maraming kadahilanan. Una ang pagluluto ay na eenhance o mas napapagaling nito ang ating kakayahan o ang ating kagalingan sa pagluluto. Pangalawa maaari natin itong gawing pangkabuhayan halimbawa na lamang magtatayo ka ng isang kainan o karenderya. Pangatlo, mahalaga ang pagluluto sapagkat hindi na tayo aasa sa ating mga magulang na kung ano ang kanilang iaahin sa inyong hapagkainan ay yun na yun at mahalaga ang pagluluto dahil sa panahon ngayon ay awtomatik na ang lahat at maraming tao ang umaasa sa ibang tao upang makakain lamang,oo sabihin na lang natin na tulad sa isang kainan nagbabayad ka para sa iyong kinakain pero hindi mo ba manlang pinahalagahan ang mga taong naghihirap para lang may maipakain sa iyo at mahalaga ang pagluluto upang mas madali nating matutugunan ang ating pangangailangan, at mas magiging panatag ang ating loob kung tayo mismo ang magluluto ng ating sariling pagkain. Bakit nga ba kailangan ang pagluluto? Sapagkat katulad ng araw-araw nating pagkain, araw- araw din tayong magluluto. Ang pagluluto ay kadalasang ginagawa sa bahay ito ay tungkulin ng ating mga ina sapagkat sila ang likas na gumagawa ng ganitong gawain. Sa ibang banda likas sa ating mga pilipino ang pagkakaiba ng mga pagkaing niluluto at mga putahi ito ay nakabatay sa kung anong tradisyon o tribo ang ating nakagisnan kung walang pagluluto hindi natin makakain ang mga pagkaing kinakailangang lutuin at hindi rin tayo agad agad na makakain. Kain dito, kain doon yan ang kadalasang ginagawa ng mga pinoy ngayon o kahit pa sa ibang lahi. Bakit mahalagang kumain? Simple para tayo'y mabuhay at higit sa lahat upang maiwasan natin ang iba't ibang sakit na maaaring maidudulot sa ating pangangatawan kung tayo'y hindi kakain. Pati ang protina at mga bitamina na kailangan ng ating katawan ay kalimitang nakukuha natin sa ating mga pagkain. Ngunit ang tanong ay bakit nga ba kailangan ang pagluluto? Ayon sa aking ina ang unang pagluluto ay naganap libong taon na ang lumipas nang aksidenteng nasunog ang kagubatan dahil sa pabagsak ng isang bato na nagmula pa sa kalawakan nagdulot ito ng malaking sunog sa buong kagubatan na ng dahil sa malaking sunog na iyon ay nadamay pati na ang mga hayop at doon na diskobre ng mga katutubo na masarap pala ang karne pag ito ay maluluto sa apoy. At hanggang ngayon nakaugalian na nga natin ang magluluto pati narin sa negosyo ay gamit na gamit ang pagluluto. Kung inyong mapapansin ang isang negosyo ay papatok kung ang mga lutuin ay masarap sa panlasa. Kaya naman binabalikbalikan ng mga tao kasi alam nilang masarap ang mga lutuin sa iyong partikular na karenderya o restaurant. Maging sa ating mga sariling bahay ay napapansin mo kung masarap ang pagkaluto ng nanay mo ng inyong ulam ay tiyak na ubos ang kanin ninyo at paniguradong kukulangin pa. Kabaliktaran naman kung ang hindi masarap ang pagkaluto dahil hindi ito papatok at maaaring maging laman ng tsismis na hindi masarap kainin, maging sa bahay ay hindi rin papatok ang luto ni nanay at maaring mawalan kayo ng ganang kumain kaya't napakahalaga ng pagkain lalong lalo na ang pagluluto dahil dito nakasalalay ang panlasa ng bawat taong kakain nito. Kagaya ng aking binanggit kanina nasa pagkain ang sustansya kaya't kung hindi magustuhan ang pagkaluto maari ring hindi mo makuha ang sustansyang taglay ng isang pgkain. Kaya't pagsikapin nating mapasarap ang ating pagluluto. Ang pagluluto ay ang gawa ng paghahanda ng pagkain para kainin kinakailangan ang pagluluto dahil may mga pagkain na hindi agad agad na makain kagaya ng mga karne at kailangan pang pakuluin ito para lumambot kailangan din ang pagluluto upang mapasama-sama mo ang mga sangkap at magkaroon ito ng lasa. Kailangan ito dahil may mga pagkain na nakakalason at naaalis lamang ito sa pagluluto. May mga sangkap rin na may mga bakterya. Maraming mga dahilan bakit kailangan ang pagluluto dahil ito na nagpapabigay buhay sa atin. Pero may mga pagkain na pwede nang kainin nang hindi na kailangang lutuin, mas napapasarap ito kapag naluluto. Sa pagluluto, nasisiguro pa nating ligtas ang pagkaing kakainin at maaaring taglayin nito ang lasang ayon sa ating gusto. Bakit nga ba kailangan ang pagluluto? Bakit nga ba? Syempre kung marunong tayong magluto may makakaintayo tayo at yan ang pinakaimportante sa lahat dahil alam naman natin na maraming mga kabataan ang hindi marunong magluto umaasa lang sa kanilang mga magulang at hindi naman sa lahat ng panahon kaya tayong ipagluto ng ating mga magulang kaya dapat tayong matuto sa pagluluto upang balang araw marunong na tayo. Ang pagkain ay mahalaga sa ating buhay upang tayo ay lumakas sa pang araw-araw nating ginagawa. Ang pagkain ay makikita lang kung saan saan pero ang magluluto hindi sa lahat ng oras,araw o panahon mahanap mo ang iyong tagaluto. Kailangan ang pagluluto dahil para sa atin ito kasi sa oras na mawalan tayo ng pamilya kaya na nating mabuhay mag isa o tumayo sa ating sariling mga paa. Di lang din ito para sa ating mga sarili kundi para na rin ito sa taong mapapangasawa natin. Kapag tayo ay may kaalaman sa pagluluto maaaring maka gawa tayo ng negosyo,puhunan sa pang awar-araw na gastos at hihit sa lahat makakatulong tayo sa ating pamilyaat matustusan natin ang pangangailangan sa paaralan hindi natayo aasa sa ating mga magulang. Kailangan ang pagluluto sapagkat ito ay pagprepara ng ating mga pagkaing kakainin. Ito ay mahalaga dahil ang mga pagkain ang nagbibigay lakas sa atin sa pang araw araw. Sa pamamagitan ng pagluluto nasusustentuhan natin ang pangangailangan ng ating katawan na dahilan upang tayo ay nakakaagaw ng ating mga tungkulin sa pang araw araw na gawain, kailangan ang pagluluto dahil dito tayo nag kakaisa at sumasalamin sa ating pagka pilipino ugali nating magluto kagaya ng pakbet may iba't ibang klaseng gulay kagaya nating mga pilipino anong lahi kultura at radisyon tayo ay nagkakaisa sa larangan ng pagluluto, at labis nating kailangan dahil ito ay isang napakalaking halimbawa ng ating pangangailangan sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Dahil dito tayo ay nakakain ng tatlong beses sa isang araw o higit pa. Ang pagluluto ay talagang kinakailangan natin para matuto at mapakinabangan ang mga sangkap o produkto na maaaring  kainin. Dahil din sa pagluluto, maraming tao o halos lahat ng tao ang natuto para lumikha ng mga panibagong mga pagkain na hindi pa natatakam o nalalasahan ng mga tao o kaya'y panibago sa kanilang paningin. Dahil din rito ay naeensayo ang kakayahan ng mga tao para magluto at lumikha. Kinakailangan din ito sapagkat himdi lahat ng pagkain ay pwedeng kainin nang hindi dumadaan sa isang proseso. Halimbawa nalang nito ay ang bigas,mga karne, iilang mga gulay. Kapag ang mga ito ay di dumaan sa proseso nang pagluluto, maaaring may masamang epekto ito sa ating katawan. Halimbawa a lamang ay ang pananakit ng tiyan dahil sa hindi natunaw ang pagkain ng maayos dahil sa hindi natunaw ang pagkain ng maayos dahil sa matigas ito na maaring mag dulot ng konstipasyon isa rin ditl ay ang pagpasok ng mga mikrobyo sa loob ng ating katawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga hilaw na karne,maari rin itong magdulot ng colon cancer na dahilan nang pagkasira ng sikmura. Kailangan ang pagluluto dahil sa pagluluto, maaaring maipalabas ang tunay na nararamdam ng isang tao. Sa pamamagitan nito maipapadama ang nasa kaloob-looban ng puso at damdamin at parte po sa ating buhay ang pagluluto lalo na ito ang ginagamit natin upang makagawa ng kahit anong klaseng putahi at ang iba dito nila nahuhubog ang kanilang kagalingan bilang isang indibidwal at sapagkat sa pamamagitan ng pagluluto ng pagkain tayo ay nagiging ligtas sa mga mikrobyo na nagdudulot ng sakit na kadalasan ay mauuwi sa malubhang karamdaman. Ang problema natin sa buhay ay parang paghahain at pagluluto lang,madaming proseso ,madaming pagdadaanan pero  hahantong parin sa maayos at magandang daloy ng buhay. Sa pamamagitan ng pagluluto matutunan natin ang lahat at magagamit natin ito pantulong sa ating mga magulang dahil nagsakripisyo sila mabuhay lang tayo ng maayos. Kailangan ang pagluluto dahil sa pamamagitan ng pagluluto maibabahagi natin ang ating nararamdaman at mag ganado tayong tapusin at matutunan ang lahat.

Comments

Post a Comment